Saturday, April 29, 2023

Interview kay JR Lopez Gonzales | Alumni Endowment Fund Center of MSU-IIT

Paano mo mailalarawan ang iyong karanasan sa MSU-IIT?

Hindi malilimutan. Ito ang naging karanasan ko sa MSU-IIT dahil ito ang naging simula ng buhay kong mag-isa; malayo sa aking mga magulang at kapamilya. Medyo maaga rin kasi ako napasok sa IIT. 15 years old lang ako, kaya challenging pero enjoy.

 

Ano ang pinakamaligayang alaala mo sa MSU-IIT?

Marami. Naging parte ako at huling batch ng MINDS (MSU-IIT Noble Debating Society) at isa sa mga naunang miyembro ng MIDV (MSU-IIT Debate Varsity). Nag-debate ako at nagrepresenta ng CASS at MSU-IIT na rin, sa live TV debates sa ABS-CBN News Channel dati.

 

Hindi ko rin malilimutan ang 2006 YouTube video na ginawa ko kasama ang ilang IITians na nagsilbing 1st YouTube vlog sa MSU-IIT. Natuto rin akong magmahal; bumuo ng mga life-long friends, at iba pa. Ang pag-umpisa at pagpapasikat ng ‘Sikhai’ chant namin sa PolSci na after 15 years, ginagamit pa rin ng PolSci society. #SikhaiPolsci Masyadong marami ang mga alaala at hindi ko siya mabilang nang isa-isa.

 

Gaano kalaki ang naging papel ng MSU-IIT sa iyong naging paglalakbay tungo sa kung ano man ang narating mo ngayon?

Maraming parte ng buhay ko ang nabago; mga pananaw ko sa edukasyon at sosyodad. Minulat ang mata ko sa intelektualismo. At tinuruan akong maging mas mahusay at mas nag-iisip na indibidwal.

 

Ano ang meron sa pagiging IITian na pinaka-proud ka?

Isa itong bantog na paaralan na nagbibigay ng oportunidad para sa isang maliwanag na bukas ng mga batang Pilipino; lalung-lalo na sa ating mga Mindanawan. sa mga migrant settlers, sa mga Lumad at maging sa ating mga kapatid na Muslim. Naging level ang playing field dito. Maraming buhay ang nabago; maraming mga mahuhusay na estudyante ang natulungang umangat ang mga buhay-buhay dahil sa edukasyon ng MSU-IIT.

 

Sa anong mga aspeto ng tingin mo ay dapat pang mag-improve ang IIT?

Siyempre ang walang-katapusang pagpapaunlad pa sa paraan ng pagtuturo. Sana ay maipagpatuloy pa ang mabuting mga hakbangin para sa pagiging consistent natin sa national at world rankings.

 

Noong nakapagturo ako sa MSU-IIT mahigit sampung taon na ang nakararaan, naalala kong naging prayoridad ni former Chancellor Tanggol ang pag-produce ng dekalidad na researches ng academe natin. Sana rin mas marami pa tayong quality researches para mas lalo pa nating matulungan ang mga lokalidad at mapalawak din natin ang influence at linkages sa labas ng MSU-IIT.

 

Ano ang pakiramdam ng magtaguyod ng karera sa pagsusulat/pagpapahayag?

Ibang klase siya. Sa aking palagay; maraming tao ang gusting magsulat ngunit hindi lahat ay kayang maging marahas na manunulat o tagapagpahayag.

 

JR Lopez Gonzales

Nihindi nga ako naging Silahis writer (hindi dahil sa ayaw kong magsulat; bagkus dahil napaka-busy ko sa aking mga tungkulin sa simbahan at paaralan noong mga panahong iyon), pero matagal ko na rin kasing passion ang journalism at pagsusulat in general.

Six-time RSPC writer ako at naging 1st Placer din sa National Schools Press Conference kaya meron naging binhing naipunla sa aking isipan bago pa ako naging IITian. Nang nagturo na ako ng political science doon na ako nag-umpisang gumawa ng political at socio-commentary blog (Take note, hindi pa ‘vlog’ ang uso ha). Patuloy na nagsulat hanggang sa ma-pick up ng major news network at nai-feature na ang mga likha sa GMA News, Rappler, ABS-CBN News, CNN iReport; and the rest is history, kumbaga.

Ano ang nag-udyok sa iyo na pasukin ang nasabing larangan?

That time kasi wala pa akong kilala na mga political at socio-commentary bloggers; kaya naisipan kong maging isa sa mga unang mag-blog na mula sa Mindanao (at sa Pilipinas). Siguro na rin dahil sa adbokasiya kong ipagmalaki at ipakilala ang Mindanao sa larangan ng pagsusulat. Nawari kong marami sa ating mga Mindanao achievers ang nagnanais na i-represent ang Mindanao at mabago ang mga stereotype ng ibang Pinoy patungkol sa atin.


Anong mga hamon ang iyong naranasan bilang isang manunulat o mamamahayag at paano mo sila nalampasan?

Sa proseso ko; wala naman gaano. Sa umpisa siguro, ang pagpiga ko ng creative juices kasi ibang klase rin talaga ang pagba-blog; dapat catchy at ibang klase ang wit mo. Hindi ako kumita nang malaki pero naging tulay ito para mapanatili ang aking sanity. Naharapan ko naman ng solusyon ang mga pagsubok dahil mahal ko ang ginagawa ko at importante sa akin ang mapanatili ang aking pagkamalikhain sa maraming bagay.

Ang vision ng AEFC ay magpalago ng kultura na lumilingon sa pinanggalingan at paying it forward. Paano sa tingin mo, bilang isang alumni na kagaya mo, maipakita ito?

Sa aking mga naging content sa Usap Usap University YouTube Channel, may mga naging interviews ako sa mga outstanding alumni natin; isa lang ito sa aking paraan ng pagpapakita ng literal napag-look back. Ito rin ay nagsisilbing paalala sa ating mga alumni na baka mayroon pa tayong pwedeng maiambag sa kanya dahil sa kanyang nagawa para sa atin.

 

Nilalagay ko ang mga AEFC links sa aking social media to help promote our “Give To MSU-IIT” campaign. At dahil nasabi ko nga ang kampanyang ito; maaari po tayong magbigay ng kahit ano mang halaga para sa ating endowment fund.

Ano ang gusto mong sabihin sa mga kapwa mo IITian o mga incoming alumni?

Sa aking mga kapwa IITian na mga estudyante at nag-aaral pa ngayon pagbutihan ninyo. Pahalagahan ninyo ang inyong mga classmate at mga ka-org, makilahok, mag-ambag at matutong makiisa. Piliting gumawa ng makabuluhang alaala kasama ang iyong mga ka-batch. Kayo ang mga sulô na magrerepresenta ng inyong pamilya, tribo, at lahi. ‘Wag sumuko at patuloy na isipin ang para sa kabutihan. ‘Wag mong isipin na ikaw ang na pinakamagaling sa lahat dahil along the way, may masasalubong kang mas mahusay pa sa ‘yo. So, ano’ng dapat mong gawin. Hone your craft.

 Sa aking mga kapwa namang IIT alumni pati na incoming. Salamat po sa inyong panahong mabasa ang patungkol sa aking karanasan sa IIT. Alam kong marami sa inyo ang naging matagumpay na rin sa iba’t-ibang larangan kaya sana po ay makipag-connect pa kayo sa AEFC at sa ating home departments dahil pwede po tayong makatulong sa mga MSU-IIT students at maging sa hinaharap ng ating dakilang pamantasan. Sabi nga ng ating kasalukuyang Chancellor Ditucalan, we’re “Influencing the Future”.

Maraming salamat sa patuloy na pagpapabilib at pagpapakilala sa iba na ang Mindanao ay mayroong MSU-IIT na kayang makipagsabayan sa kahit sino man sa buong Pilipinas – sa buong daigdig. Bilang naging isang guro rin sa IIT; proud po ako sa inyo. Proud po ang IIT community sa inyong narating o maaabot pa. Mabuhay po kayo!

 

 

 

Thursday, November 24, 2022

Filipinos are not ZOO Animals! STOP Poverty Porn in the Philippines! | Usap Usap University

Hindi ko po hilig talaga ang magsalita ng masama o mang-debunk o mampuna ng ibang vloggers. Pero hindi ko pwedeng palampasin ang paglalapastangan sa ating mga kabataan at sa ating mga kababayang nasa baba ng lipunan.

This Vietnamese vlogger has to stop making poverty porn content.

Pinagkakakitaan ng mga dayuhang vlogger ang paggawa ng mga 'poverty porn' content. Ang iba namimigay ng salapi sa mga mahihirap na Pinoy; pero itong sa vlogger na ito, kakaiba.

Tumungo sa mga nakakadiri; nakakalungkot na sulok ng Tondo. At binibidyohan ang lahat ng tao; kahit na sa pamamahay ay pumapasok nang walang abiso.

Kumukuha ng imahe ng mga batang kalyeng ang iba ay nakahubad na natutulog; at hindi nilalagyan ng blur ang mga mukha ng mga gusgusing musmos. Binalewala ang ating batas sa privacy at protection ng mga bata patungkol sa exposure sa social media.

Tinuring n'yang isang zoo ang Tondo; at bagama't halatang naiinis o nahihiya ang mga binibidyo n'ya nang walang pahintulot; nakayanan pa ring igalang ng ating mga kababayan ang dayuhan.

Kaya't hindi man perpekto ang Ingles ko, sinubukan kong gumawa ng English vlog para malaman ito ng kanyang halos 400,000 subscribers at maintindihan na rin ng naturang vlogger.


Sumulat din ako ng e-mail sa embahada ng Vietnam patungkol sa YouTuber na ito na target ang mga kahirapan sa iba't-ibang sulok ng mundo para sa kanyang sariling interes at dolyares na kita.

Maaring i-share ang video na ito. Salamat po.


#PovertyPorn #PovertyPornVlogger #DangerousVlog #PovertyVlog #PinoyBaiting #LạiNgứaChân #lainguachan #langthang #trainghiem

Thursday, August 4, 2022

KATIPS MOVIE REVIEW (Honest) and Spoiler-Free | Usap Usap University

 Katips Review

Watch in HD: ▶️https://www.youtube.com/watch?v=wnWl7kffU4M

TRAILER: ▶️https://www.youtube.com/watch?v=eBrJ57j40jA

Heto po ang aking honest reaction at spoiler-free na review sa pelikulang Katips.

Ang pelikula ay isang decent effort sa pag-transform ng isang theater play into a movie.

Katips is a film about the tribulations of student activists during Martial Law was the big winner at the 70th Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Awards awarding ceremony on July 30 at the Metropolitan Theater in Manila.


The musical drama by Philstagers Films won seven awards of its 17 nominations including Best Director, Best Actor, and Best Picture. [via BusinessWorld]


#TrendingNow #Katips #KatipsFamas #VinceTañada #DarrylYap #UsapUsapUniversity #KatipsTheMovie #PinoyMusical


Wednesday, July 13, 2022

YouTuber JR Lopez Gonzales makes it to MSU-IIT News | IITian YouTuber collaborates with ACC

In time for the 54th Charter Day, journalist and content creator JR Lopez Gonzales has recently collaborated with the Institute's Alumni and Career Center (ACC) under the helm of Director Juvanni Caballero, to trace MSU-IIT alumni through a series of YouTube videos and a feature-length documentary which premiered yesterday, July 12.

Gonzales started vlogging in 2015.

In June, Gonzales shared a viral video asking the MSU-IIT community for help in finding their 13 ambushed interview subjects back in 2006. Uploaded in three parts, the video series entitled “ROLF - Youth Alternative Iligan City” was the first MSU-IIT YouTube vlog which was posted on August 16, 2006. In the said vlog, random students were interviewed in a street-style format to get their advice on how an IIT freshman can make it through their first year at MSU-IIT.

He was able to track down and interviewed through Zoom a few of these IITians 16 years after the said historic video was shot on campus. This was possible due to weeks of digital sleuthing and with the assistance of IIT netizens.

Original screenshot of the 2006 MSU-IIT vlog.

According to a Facebook post on the Usap Usap University page, the "Finding IITians" documentary tells the lives of these alumni with the hopes of motivating future IIT freshmen, existing students, and alumni about what it really means to be an IITian.

A call to action for the MSU-IIT alumni to participate in the alumni tracing of the ACC will be included in the final segments of the video series. Gonzales reveals that proceeds of the videos will be donated to the ACC's endowment fund to kickstart a long-term movement of support from the IIT community that would benefit both the studentry and the alumni.

"I am proud of our true-blue IITian alumnus JR Lopez Gonzales, and I thank him beyond words for reconnecting and even meaning to donate to our alma mater. I hope other vloggers, especially IITian content creators, follow suit," said Caballero of Gonzales' initiative.

JR Lopez Gonzales earned his degree in political science in 2009 with flying colors and went on to write popular articles and videos that were published on GMA News, Yahoo!Philippines, CNN iReport, and Esquire, among others. Gonzales is a finalist for his two articles in the Philippine-American Press Club’s Plaridel Awards in 2016 in San Francisco, USA. He started vlogging about social issues and politics in 2015.

Gonzales, a native of South Cotabato, is a second-generation IITian whose family and cousins also studied at MSU-IIT. While his brother and sister received their degrees in 2003 and 2004, respectively, his parents completed their engineering technology degrees in 1981.


NOTE: The article was taken from MSU-IIT News:
https://www.msuiit.edu.ph/news/news-detail.php?id=1470

Tuesday, July 5, 2022

Maraming salamat, MSU-IIT! #InfluencingTheFuture #CharterDay #MSUIIT

  Hindi ko maipaliwanag ang tuwa dahil ako ay nabigyan ng pansin at oras ng aking dating unibersidad.

Nagpapasalamat ako sa Alumni and Career Center ng Iligan Institute of Technology of the Mindanao State University sa isang pagkakataon upang mailahad ko ang aking mga plano at ang akin na ring karanasan bilang isang influencer bukas sa isang exclusive meeting.
Akin ding ilalahad na ang aking dokumentaryong "Finding IITians" ay bunga ng ating planong magbigay ng suporta, impormasyon, at inspirasyon sa MSU-IIT Community. (Sa hindi nakakaalam, ang dokumentaryo na ito ay ang paghahanap sa 13 na estudyante ng MSU-IIT noong 2006 na aming na-interview sa kauna-unahang YouTube vlog sa MSU-IIT).

Being a second-generation IITian from our Pinzon-Gonzales clan, this is a big honor.

Ako rin ay pumayag na maging guest sa podcast na para mga itinuturing na successful alumni. Minsan nga, iniisip ko rin kung ano nga ba ang batayan ng success.
Marami rin akong failures; pero ako ay pinagpala yata at nagpatuloy ako sa aking mga pinaniniwalaan. 'Di nawala ang passion kong magsulat at gumawa ng content simula pa noong 2009.
Nagpatuloy akong maging positibong 'influencer' sa social media sa abot ng aking makakaya at kailanman ay hindi ko naging layunin ang pera. Bagama't oo, may naaabot po tayo ng tulong sa pamamagitan ng #U3Cares.
Nakapagsulat sa iba't-ibang news agency at nakapag-interview ng iba't-ibang personalidad. Nagkaroon ng mga viral articles at videos. Gumawa ng mga content both blog at vlog pero laging naging proud na IITian saan mang lupalop ako makarating. Intensyunal na nag-feature ng mga kapwa IITian at mga Mindanaoan na naging matagumpay din sa kanilang mga larangan. Hindi ko kinahiya at bagkus ay ipinagmamalaki kong maging isang IITian content creator.
Kaya't isang napakalaking karangalang ang kilalanin ng sariling paaralan. Salamat po sa inyong lahat sa MSU-IIT ACC, lalo na kay Director Juvanni Caballero Juv Cabz. Gusto ko ring magbigay pugay kay Chancellor Alizedney Ditucalan lalo na sa napaka-swak na tagline ng MSU-IIT, "Influencing The Future".
Mananatiling nakatapak ang aking mga paa sa lupa. Sikhai!😌
JR Lopez Gonzales
AB Political Science, Class of 2009

Friday, September 17, 2021

Naimbitahan po ang Usap Usap University na maging parte ng YouTube NextUp!

 Maraming salamat sa YouTube at tayo ay naimbitahang maging parte ng kanilang programa, ang YouTube NextUp.

Dose ang pipiliin nilang vloggers mula sa Pilipinas. Dito kukunin ang kanilang ite-train sa isang creator camp with 100,000-peso voucher at isang 12-month endorsement sponsorship ng Smart Communications, Inc.
Sana ay palarin ako. At kahit ano man ang mangyari, ako ay magiging proud sa Usap Usap University kasama na ang mahigit na 300+ videos na aking ipinroduce.
Please support my YouTube channel as we grow more by the thousands this month! ▶️ https://bit.ly/2TxV3yQ
P.S. Penge ako ng tips n'yo NextUp alums Bryan Maglanque at Team Lyqa.🥳

Out of the hundreds of thousands of Pinoy YouTubers,
we are honored to be selected for their invitation.


Saturday, September 21, 2019

I have never sold drugs in my life! - Loonie

"I have never sold drugs in my life". ~ Loonie, Usap Usap University interview, June 2019.
Naging maugong po ang aking YouTube channel, Usap Usap University dahil po sa exclusive interview ko kay Loonie noong ika-23 ng Hunyo.
Inilahad po ni Loonie na siya ay nasa PDEA list, kasama si Shanti Dope, at nanganganib ang kanyang buhay. Kanya ring sinabi sa akin sa interview na ito na kailanman ay hindi siya nagbebenta ng droga.
Heto po ang totoong link sa video na ito: https://www.youtube.com/watch?v=rLEh5k7-z8E&t=408s
P.S. OK lang po sa amin na i-share po ang links ng ating interview kay Loonie; as long as ike-credit lang po ang ating mga links sa description. Hindi po sapat ang "CTTO" lang. Maraming salamat po sa lahat!