Hindi ko maipaliwanag ang tuwa dahil ako ay nabigyan ng pansin at oras ng aking dating unibersidad.
Nagpapasalamat ako sa Alumni and Career Center ng Iligan Institute of Technology of the Mindanao State University sa isang pagkakataon upang mailahad ko ang aking mga plano at ang akin na ring karanasan bilang isang influencer bukas sa isang exclusive meeting.
Akin ding ilalahad na ang aking dokumentaryong "Finding IITians" ay bunga ng ating planong magbigay ng suporta, impormasyon, at inspirasyon sa MSU-IIT Community. (Sa hindi nakakaalam, ang dokumentaryo na ito ay ang paghahanap sa 13 na estudyante ng MSU-IIT noong 2006 na aming na-interview sa kauna-unahang YouTube vlog sa MSU-IIT).
Ako rin ay pumayag na maging guest sa podcast na para mga itinuturing na successful alumni. Minsan nga, iniisip ko rin kung ano nga ba ang batayan ng success.
Marami rin akong failures; pero ako ay pinagpala yata at nagpatuloy ako sa aking mga pinaniniwalaan. 'Di nawala ang passion kong magsulat at gumawa ng content simula pa noong 2009.
Nagpatuloy akong maging positibong 'influencer' sa social media sa abot ng aking makakaya at kailanman ay hindi ko naging layunin ang pera. Bagama't oo, may naaabot po tayo ng tulong sa pamamagitan ng #U3Cares.
Nakapagsulat sa iba't-ibang news agency at nakapag-interview ng iba't-ibang personalidad. Nagkaroon ng mga viral articles at videos. Gumawa ng mga content both blog at vlog pero laging naging proud na IITian saan mang lupalop ako makarating. Intensyunal na nag-feature ng mga kapwa IITian at mga Mindanaoan na naging matagumpay din sa kanilang mga larangan. Hindi ko kinahiya at bagkus ay ipinagmamalaki kong maging isang IITian content creator.
Kaya't isang napakalaking karangalang ang kilalanin ng sariling paaralan. Salamat po sa inyong lahat sa MSU-IIT ACC, lalo na kay Director Juvanni Caballero Juv Cabz. Gusto ko ring magbigay pugay kay Chancellor Alizedney Ditucalan lalo na sa napaka-swak na tagline ng MSU-IIT, "Influencing The Future".
Mananatiling nakatapak ang aking mga paa sa lupa. Sikhai!
JR Lopez Gonzales
AB Political Science, Class of 2009
No comments:
Post a Comment